Breaking News

Share this information:

DIRETSO kalaboso ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head PLt. Joel Madregalejo ang mga naaresto na sina Mary Jane Montemayor, 35 anyos, Sharijune Santos, 32 anyos, John Paul Arzadon, 23 anyos, Rodolfo Espocie, 46 anyos, at Joey Sta Ana, 42 anyos.

Sa report ni SDEU investigator PSSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chef Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng validation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSgt. Alvin Olpindo hinggil sa napaulat na pot session sa No. 312 Dulong Tangke St., Brgy. Malinta.

Dito, naaktuhan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P20,400, ilang drug paraphernalia, P320 cash at 3 cellphones.

Kasong paglabag sa Section 11, 12, at 15 ng Article II ng R.A 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: