Mga magulang, hinikayat ng DOH na pabakunahan ang mga anak kontra polio

Share this information:

HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak kontra polio.

Ang panawagan ng DOH ay ginawa katuwang ng World Health Organization (WHO), UNICEF at Rotary International kasabay ng pagdiriwang ng World Polio Day ngayong araw.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng DOH na natapos na ang polio outbreak sa Pilipinas noong June 2021 matapos ang 18 buwang outbreak response nang mabakunahan ang 11 milyong bata na karamihan ay tumanggap ng polio drops sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pero dahil sa pandemya, naapektuhan naman ang serbisyo sa kalusugan kung saan kalahating milyong batang  Pilipino ang hindi nakatanggap ng oral polio drops para sa routine immunization.

Dahil dito, muling inilunsad ang immunization campaign na nagsimula sa National Capital Region noong Oktubre 13, 2021.

Layon ng kampanya na maabot ang nga bata na edad dalawang taon pababa na naipagpaliban ang vaccine doses kabilang ang para sa polio.

Ang WHO, UNICEF at Rotary International ay kabilang sa mga katuwang sa Global Polio Eradication Initiative (GPEI), isang public-private partnership na pinangungunahan ng  national government.

Ang iba pang GPEI partners ay ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at ang Bill & Melinda Gates Foundation.

Bukod sa pagbabakuna, nakikipagtulungan din ang DOH sa mga katuwang para palakasin ang environmental at Acute Flaccid Paralysis surveillance sa buong bansa para matukoy ang poliovirus.

Sa buong mundo, nananatiling endemic ang polio sa dalawang bansa lamang – Afghanistan at Pakistan. Kapag ang mga bansang ito ay naging polio-free, ang polio ay magiging pangalawang sakit na kasunod ng smallpox na napuksa. .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga pagbabago sa dolomite beach, ikakasa ng Manila Bay Coordinating Office

Sun Oct 24 , 2021
SINABI ng pamunuan ng Manila Bay Coordinating Office na maglalagay ito ng mga karagdagang pagbabago sa pamamahala ng dolomite beach sa mga susunod na araw. Ayon kay Jacob Meimban Jr., deputy executive director ng Manila Bay Coordinating Office, ang dolomite beach ay isasara tuwing Biyernes para sa maintenance  at lilimitahan din […]
%d bloggers like this: