Breaking News

Share this information:

UPANG mas marami pang mabakunahan kontra COVID-19, pormal nang binuksan ng pamahalaang lungsod ng Caloocan nitong Lunes ang Caloocan Sports Complex bilang isang mega vaccination site.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, alinsunod sa tagubilin ng World Health Organization, ang mga bakunang gagamitin ay ilalaan lamang para sa A1, A2, at A3 priority groups.

Kayang tumanggap ng hanggang 1,500 na magpapabakuna ang Caloocan Sports Complex.

Ang ibang magpapabakuna na kabilang sa A4 ay maaaring magtungo sa ibang itinalagang vaccination sites.

Nitong Huwebes ay dumaan sa masusing inspeksyon at simulation ang mega vaccination site na ito sa pangunguna ng Department of Health.

Sinabi pa ng alkalde, kung kabilang sa priority groups at nakapag-profiling na ay hindi na kinakailangan maghintay ng appointment o text message.

Maaaring magtungo sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar peero siguraduhing maayos at tama ang pagfill-up sa online profiling.

Sa ulat ng City Health Department, mahigit 200,000 na mga residente sa lungsod ang tapos nang mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: