Mga namamalimos sa kalsada, dapat hulihin — Diño

Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan para aksyunan ang pagdami ng mga namamalimos sa lansangan sa gitna ng pandemyang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, dapat huliin ang mga palaboy na posible aniyang makadagdag sa panganib na kumalat ang virus.

“Batas ay batas. Dapat iyan hinuhuli ng mga pulis, dapat dinadala sa DSWD kasi baka hindi mo alam, baka ito na ’yung nagkakalat ng pandemya dahil unang-una, exposed ito,” ayon kay Diño.

Naging kapansin-pansin umano na kahit ang ilang mga nagpapakilalang locally-stranded individual, jeepney drivers na hindi pa rin makapasada, at ilan pang nawalan ng trabaho sa gitna ng krisis ang nakikitang namamalimos sa kalsada.

Diin ni Diño, obligasyon ng mga pulis at tauhan ng barangay na damputin ang mga palaboy at ihatid sa DSWD.

“Wala dapat sila sa lansangan, pandemya tayo ngayon. Walang pinipili ang pandemya,” dagdag pa nito.

Hindi porke mahirap ka, ikaw ay may lisensiya na kumatok at um-ano sa lahat ng mga ano,” pahayag ni Diño.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.