Mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa Davao, nasa mahigit 2,000 indibidwal na — NDRRMC

Share this information:

TINATAYANG aabot sa 586 na pamilya o katumbas ng 2, 215 na mga indibidwal ang lubos na naapektuhan ng matinding pagbaha bunga ng masamang panahon sa Davao City.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ayon sa NDRRMC, sa naturang bilang, 142 na pamilya o katumbas ng 415 na indibidwal ang nananatili muna sa mga evacauation center.

Ang iba naman ay lumikas muna at nagtungo sa mga kamag-anak at kaibigan.

Sa kabuuan, 15 barangay ang napinsala ng masamang panahon.

Tatlong kalsada naman ang baha pa rin at hindi pa madaananan habang anim na kabahayan naman ang nasira sa Brgy. Tigatto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, nasa 655 na lamang ngayong araw

Wed Oct 27 , 2021
SINABI ng Philippine National Police (PNP) na nasa 655 na lamang ang bilang ng ma aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga pulis sa araw na ito. Ito ay matapos na makapagtala ng 93 na recoveries at 34 na bagong kaso. Base sa datos ng PNP Administrative Support for […]
%d bloggers like this: