Mga lugar sa NCR na nasa “granular lockdown,” mahigit 90 na

Share this information:

MAHIGIT 90 na mga lugar sa National Capital Region (NCR) ang nasa ilalim pa rin ng “granular lockdown.”

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na batay sa pinaka-huling datos ay nasa 94 na lugar sa NCR ang nananatiling nakasailalim ng granular lockdown.

Kabilang dito ang 44 na lugar sa lungsod ng Maynila, 23 sa Marikina, isa lamang sa Navotas, siyam sa Pasay at 17 sa Quezon City.

Sa iba pang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay wala nang mga lugar na nasa granular lockdown.

Sinabi ni Malaya na base sa ulat ng Department of Social Welfare and Developnent (DSWD), nasa 32,375 na family food packs ang nailabas na mula Setyembre 25 at naibigay sa mga pamilyang naapektuhan ng granular lockdown.

Ang NCR ay kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.