Mga Manileño na nagbakasyon sa probinsiya, obligadong magpa-swab test

Share this information:

Kinakailangan munang sumalang sa swab test ang lahat ng mga Manileño na nagbakasyon sa labas ng  Metro Manila bago sila payagang makabalik sa kanilang mga bahay. 

Batay sa memorandum na  pirmado ni Acting City Health Officer Arnold Pangan, simula ngayong araw ang lahat ng babalik sa Maynila mula sa kanilang mga bakasyon sa mga lalawigan ay  ipasasalang sa swab test at papayagan lamang sila makauwi sa bahay kung negatibo ang resulta. 

Sakaling magpositibo  sa COVID-19 test ay didiretso sila sa quarantine facilities upang hindi na makahawa pa. 

Gayunman,  hindi na kailangan magpa-swab test ang mga indibidwal na isang  araw lang nanatili sa labas ng Metro Manila subalit maari pa rin silang magpasuri kung nanaisin nila. 

Ang swab test ay libreng ibibigay ng pamahalaang lungsod  ng Maynila. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.