Ex-tserman patay sa ambush sa Antipolo

PATAY sa pananambang ang dating barangay chairman sa Antipolo City, Rizal ngayong hapon.

Kasabay nito, kinondena ni Antipolo City Mayor Andrea Bautista Ynares ang pamamaslang kay dating kapitan Oscar Tamayao ng Barangay Sta. Cruz, Antipolo City.

Naglaan na rin ang pamahalaang lungsod ng Antipolo ng P200,000 pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon na makakatulong upang matukoy at madakip ang mga suspek sa pagpatay kay Tamayao.

Ayon sa paunang imbestigasyon at sa kuha ng CCTV, sakay ang biktima ang kanyang puting van nang pagbabarilin ng riding in tandem sa old PNP checkpoint sa may kanto ng Olalia Road at Sumulong Highway pasado ala-una ng hapon.

Naisugod pa sa ospital si Tamayao pero binawian ng buhay makalipas ang tinatayang isang oras.

Bahagi ng imbestigasyon ng pulisya ay ang anggulo ng pulitika makaraang makaladkad si Tamayao sa pagpatay ng isang katunggali sa pulitika na si dating barangay chairperson Rina Juinio.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.