2 hinihinalang carnapper patay sa Quezon City

Share this information:

DEAD on the spot ang dalawang hinihinalang carnapper makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Bago ang engkuwentro, isang lalaki ang nagpasaklolo sa mga awtoridad nang agawin umano ang kanyang motorsiklo makaraang bumili sa isang tindahan sa Barangay San Bartolome nuong Sabado ng gabi.

Ayon sa biktima, pagkasakay niya sa motorsiklo ay tinutukan sya ng baril ng mga suspek at pinababa sabay sibat kasama ang kanyang sasakyan.

Ayon kay PLt. Mann Erik Felipe, PCP 2 Commander ng Novaliches Police Station, agad silang nagsagawa sila ng dragnet operation at nang makita ng mga pulis ang motorsiklo na kapareho ng ninakaw na motor, sinita nila ang drayber ngunit hindi umano ito huminto.

Sinundan na ito ng habulan ng mga awtoridad at dalawang suspek hanggang sa nasukol ang dalawa sa isang bakanteng lote sa Austria Street.

Sa halip na sumuko, nagpaputok umano ng baril ang mga suspek na nauwi sa engkuwentro sa mga pulis.

Napatay ang dalawang lalaki na wala pang pagkakakilanlan.

Positibo namang itinuro ng biktima ang ninakaw na motorsiklo nitong sinakyan ng mga suspek.

Samantala, nakuha umano mula sa mga suspek ang dalawang baril at sachet ng hinihinalang shabu.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.