KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na tumaas ang bilang ng kaso ng measles (tigdas) at rubella ngayong taon kumpara noong 2021 sa kaparehong panahon.
Sa inilabas na National Measles and Rubella Data ng DOH noong Setyembre 17, mayroong 450 kaso ng measles (tigdas) at rubella mula Enero 1 hanggang Setyembre 17.
Ang kabuuang kaso ngayong taon ay 153 percent na mas mataas kumpara sa 178 kaso sa kaparehong panahon noong 2021.
Karamihan sa mga kaso ay mula Region IV-A na may 70 (16 percent); Region VII, 61 (14 percent) at National Capital Region (NCR) na may 47 (10 percent).
Sa nakalipas na panahon mula Agosto 21 hanggang Setyembre 17, 2022, nasa 68 kaso ang naitala. Ang mga rehiyon naman na may pinakamataas na bilang ng mga kaso sa nasabing panahon ay ang
Region IV-A, 16 (24 percent); Region VIII, 12 (18 percent); Region VII, 7 (10 percent); Region X, 7 (10 percent) at NCR, 7 (10 percent).
Ang mga rehiyong IV-A, VIII, IX, X at XII ay nagpakita pa ng pagtaas ng kaso sa kamakailang apat na linggo ng morbidity (Agosto 21 hanggang Setyembre 17, 2022).
Sa nakalipas na apat na linggo ng morbidity (Agosto 21 hanggang Setyembre 17, 2022), lima sa 17 rehiyon (Rehiyon II, IVA, V, VII, at NCR) ang lumampas sa epidemic threshold ng tigdas.
Naiulat naman ang measles clusters sa Region I (Brgy. Caranglaan, Dagupan City, Pangasinan) at Region IX (Brgy. Balangasan, Pagadian City, Zamboanga del Sur).
Sa buong bansa, 36 na kaso ang na-classify bilang laboratory confirmed measles, habang 37 cases naman ang classified bilang laboratory confirmed rubella.
Gayundin, dalawang pagkamatay ang naiulat (CFR: 0.4 percent) sa mga kaso ng MR mula sa MWs 1-37 sa buong bansa. Ang mga pagkamatay na ito ay naiulat noong Agosto at Setyembre.