Claimant ng Ecstacy, timbog sa PDEA, BOC

TIMBOG ang claimant ng tinatayang aabot sa mahigit P850,000 halaga ng Ecstasy sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark kahapon, Oktubre 4 sa Parañaque City.

Ayon sa BOC, 505 piraso ng Methylenedioxymethamphetamine (MDMA), o mas kilala sa tawag na Ecstasy, na may kabuuang halaga na  P858,500 ang nasamsam mula sa naarestong claimant.

Nadiskubre ang ilegal na droga sa isang kargamento na idineklarang  “beads in a bottle” na dumating sa bansa noong Setyembre 30 mula Hoofddorp, Netherlands.

Dumaan ito sa eksaminasyon at field testing at lumabas sa resulta na positibo sa presensya ng pinaghalong MDMA (Ecstasy) Cotton.

Naglabas si District Collector Alexandra Lumonta ng warrant of seizure and detention para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kargamento at claimant.

Itinurn-over na rin ang ilegal na droga sa PDEA para naman sa laboratory analysis.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.