Mga kaso ng Omicron subvariants sa bansa, nadagdagan pa

Share this information:

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga kaso ng mga subvariant ng Omicron makaraang may na-detect pang 95 karagdagang kaso ng  BA.5 variant sa bansa 

Sa bilang na ito, sinabi ng Department of Health (DOH) na 83 pasyente ang recovered na.

Ang 67 na indibidwal ay mula sa Region 11, ang 25 ay mula sa Region 12, at tig-isa mula sa Region 10, Caraga, at National Capital Region (NCR) ang nagpositibo.

Fully vaccinated ang 52 indibidwal, 3 kaso ang hindi pa nababakunahan habang ang vaccination status  ng natitirang 40 indibidwal ay inaalam pa.

Sa ngayon ayon kay DOH officer- in-charge Maria Rosario Vergeire, ang exposure, travel histories at health status ng mga ito ay patuloy pang biniberipika.

Lima sa kabuuang bagong kaso ng BA.5 ang nanatiling naka-isolate habang ang resulta ng pitong iba pa ay kasalukuyan ding biniberipika.

Sa kabuuan, mayroon nang 3,107 kaso ng BA.5 sa bansa base na rin sa huling sequencing.

Samantala, mayroon ding karagdagang 7 na kaso ng BA.4 variant kung saan lahat ay fully vaccinated at gumaling na.

Limang indibidwal ay mula sa Region 12 at dalawa ay nanggaling sa Region 11.

Dalawa pang karagdagang kaso ng BA.2.12.1 ang natukoy sa bansa sa huling genome sequencing ayon sa DOH.

Sa media forum, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang dalawang kaso ay kapwa nakarekober na sa virus.

Kapwa mula sa Region 11 ang mga pasyente at sila ay fully vaccinated.

Sa ngayon, ang exposure o pagkakalantad, travel histories at health status ng dalawang indibidwal ay biniberipika.

Ayon kay Vergeire, mayroon nang kabuuang 174,000 kaso ng BA.2.12.1 sa ating bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.