INILUNSAD ng Land Bank of the Philippines ang panibagong batch ng Mobile Automated Teller Machines (ATMs) nito sa lungsod ng Maynila.
Pnangunahan nina President and CEO Cecilia Boromeo, Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo ang pagbabasbas ng mga mobile ATM na ginanap sa Plaza Rajah Sulayman sa Malate.
Kasama nila sa nasabing aktibidad sina Landbank Director Virgilio Robles, LBP Leasing and Finance Corporation President and CEO Michael Arañas, mga Executive Vice President na sina Alex Lorayes, Alan Bornas at Carel Halos, Senior Vice President na sina Randolph Montesa at iba pang opisyales ng Landbank.
Nasa 10 bagong Mobile ATMs ang binendisyunan kung saan ang anim sa mga ito ay ipapadala sa mga sangay ng Landbank sa Luzon.
Dalawa naman sa mga Mobile ATMs ang ipu-pwesto sa Metro Manila habang tig-isa sa Visayas at Mindanao.
Sa kabuuan nasa 20 mobile ATM na mayroon ang Landbank kung saan kabilang ang mga ito sa mas pinalawak na 2,877 ATM network ng bangko sa buong bansa.
Sa pahayag ni Borromeo, ang mga mobile ATM ay isang paraan upang mas mapabilis ang serbisyo ng Landbank sa mga customers nito partikular ang mga nahihirapan na makapunta ng bangko.
Aniya, ilan sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng mobile ATM ay withdrawal, balance inquiry, bills payment at fund transfer.
Maaari rin dalhin ang mga mobile ATM sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad at sakuna.
Magagamit rin ang mobile ATM sa cash payout ng mga benipisyaryo ng Conditional at Unconditional Cash Transfer Program ng pamahalaan sa ialim ng pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bahagi din ang aktibidad para sa papalapit na ika-59 na anibersaryo ng Landbank sa darating na ika-8 ng Agosto.

