Mga kaso ng COVID-19 variants, nadagdagan pa–DOH

Karagdagang 46 pang kaso ng B.1.1.7  variant ang natukoy sa isinagawang genome sequencing ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) sa ika-11 batch ng samples ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Mayroon ding 62 karagdagang kaso ng B.1.351 variant  at 6 na P.3 variant.

Ang nasabing mga kaso ay mula sa 150 na mga sample na karamihan ay mula sa mga laboratoryo sa National Capital Region. Ini-imbestigahan at biniberipika na rin  ang nasabing mga kaso ng variants.

B.1.1.7 Variant CASES:

Sa karagdagang 46 B.1.1.7 variant cases, 36 ay mula NCR, 2 ang Returning Overseas Filipinos (ROFs) at 8 kaso ang kasalukuyang biniberipika kung local o ROF case.

Sa kabuuan, nasa 223 na ang kaso ng B.1.1.7 o UK variant sa bansa .

Sa datos, 45 kaso ang nananatiling aktibo habang isa na ang gumaling.

Mula naman sa Cagayan Valley at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang dalawang ROFs na natukoy.


B.1.351 Variant CASES:

Sa mga kaso ng  B.1.351 variant, 43 ay local cases at 19 ang patuloy na biniberipika kung local o ROFs. Sa ngayon ang bilang na ng B.1.351 cases sa bansa ay 152.

Sa 43 local cases, 41 ang mula sa NCR at 2 sa CALABARZON. Base sa case line list, 60 kaso ang nananatiling aktibo  habang 2 ang gumaling na.

P.3 Variant CASES:

Sa 6 na karagdagang kaso, 4 ang local cases at 2 ang biniberipika pa. Mula sa NCR ang 4 na local cases. At ang lahat ng 6 na kaso ay aktibo.

Binigyan diin ng Department of Health, UP-PGC, at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) na sa ngayon ang P.3 variant ay hindi pa itinuturing na variant of concern dahil ang kasalukuyang datos ay hindi pa sapat para sabihing ito ay variant  na may significant public health implications. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.