Mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan ng mahigit 4,000

Share this information:

PUMAPALO na ngayon sa 173,774 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas makaraang maitala ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 4,650 bagong infections ngayong araw.

Ayon sa DOH, ang 83-porsyento o 3,848 na bagong COVID-19 cases ay mga biktima na nahawaan sa nakalipas na 14 na araw.

Pinakamarami pa rin na may naitalang virus infections mula sa Metro Manila na may 3,092 na bagong mga kaso, sumunod ang Cavite na may 249, Laguna na may 194, Rizal na may 189 at Bulacan na 136.

Umaabot naman sa 113,481 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling matapos na maitala ang 716 recoveries kahapon habang 57,498 ang aktibong mga kaso o ang mga sumasailalim sa paggagamot o quarantine.

Nasa 111 na pasyente ang naiulat din ng DOH na dumagdag sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19 na sa kabuuan ay nasa 2,795 na.

Nauna nang tinataya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines na posibleng umabot ng 230,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Agosto kasunod ng pagluluwag ng quarantine restrictions.

Inihayag naman ng Department of Science and Technology (DOST) na posibleng sa ikalawang quarter pa ng taong 2021 magkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mahigit 400 opisyal ng gobyerno at mga kasabwat inireklamo dahil sa SAP anomalies

Sun Aug 23 , 2020
NAHAHARAP ngayon sa mga kasong kriminal ang may 437 na lokal at itinalagang mga opisyal ng pamahalaan at kanilang mga kasabwat dahil sa mga umano’y anomalya sa pangangasiwa ng pondo para sa Social Amelioration Program (SAP). Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), mayruon pang hiwalay na 626 […]
%d bloggers like this: