Nadagdagan pa ang bilang ng mga natuklasang kaso ng B.1.1.7 variant o UK variant sa ginawang genome sequencing ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at UP-National Institutes of Health (UP-NIH).
Ayon sa DOH, 18 pang kaso ng UK variant ang na-detect mula sa ika-pitong batch ng 757 smaples na na-sequence na ng UP-PGC nitong February 18 dahilan para umabot na sa 62 ang bilang ng mga kaso na may UK variant.
Iniulat din ng DOH, UP-PGC, at UP-NIH na ang karagdagang sample mula sa Region 7 na kabilang sa huling (6th) genome sequencing batch ay natagpuan na mayroong N501Y at E484K mutations, habang ang 2 sa 80 na sample ng Region 7 na sumunod sa ika-7 batch ay natagpuan din na may parehong pag-mutate kaya ito nasa kabuuan nang 34.
Ang 13 kaso ng B.1.1.7 ay mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) na pumasok sa bansa sa pagitan ng January 3 hanggang 27, 2021.
Lahat ng kasong ito ay nai-tag bilang recovered at ang DOH ay kasalukuyang iniimbestigahan ang pagsunod sa mga isolation protocol at pag-trace ng contact na ginawa para sa mga ROF na ito.
Tatlo sa kaso ng B.1.1.7 ay mula Cordillera Administrative Region, 2 rito at kapwa 12 taong gulang na konektado sa orihinal na cluster mula Samoki, Bontoc, Mountain Province.
Ang pangatlong kaso ay isang 41 ayos na babae mula sa La Trinidad cluster. Lahat ng 3 kaso ay na-tag na recovered at lahat ng close contacts ay nakakumpleto na ng quarantine kasunod ng agarang contact tracing at isolation upang mapigilan ang transmission sa Bontoc at La Trinidad clusters.
Sa kabilang banda, dalawang kaso ay kasalukuyang biniberipika pa kung ito ay local cases o mga ROF.
Maglalabas naman ang DOH ng karagdagang impormasyon hinggil dito sa sandaling mayroon na.