Dalawa pang miyembro ng Cebu Archdiocese, nagpositibo sa COVID-19

Share this information:

Dalawa pang miyembro ng Archdiocese of Cebu ang nagpositibo na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kasunod nang pagpopositibo sa sakit kamakailan ni Cebu Archbishop Jose Palma.

Batay sa ulat, isinugod sa pagamutan sina Auxiliary Bishop-Emeritus Antonio Rañola at Fr. Russel Sungcad, na team member ng Alliance of Two Hearts Church sa Banawa, Cebu City.

Nabatid na si Rañola  ay isinugod sa ospital noong Biyernes ng umaga sa matinding pag-ubo na dulot ng virus.

Maayos naman na umano ang vital signs nito at masusi nang binabantayan ng mga doktor.

Matatandaang una nang kinumpirma ng Cebu Archdiocese na dinapuan ng virus si Archbishop Palma.

Nasa maayos naman na umano ang kondisyon nito ngunit masusi pa ring binabantayan ng mga doktor.

Kaugnay nito, umaapela naman ang archdiocese sa mga mananampalataya ng patuloy na panalangin para sa tuluyang ikagagaling ng naturang mga obispo at pari.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga kaso ng B.1.1.7 o UK variant sa bansa, nadagdagan ng 18

Sun Feb 21 , 2021
Nadagdagan pa ang bilang ng mga natuklasang kaso ng  B.1.1.7  variant  o UK variant sa ginawang genome sequencing ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at  UP-National Institutes of Health (UP-NIH). Ayon sa DOH, 18 pang kaso ng UK variant ang na-detect  mula sa ika-pitong […]

Follow Us

%d bloggers like this: