Breaking News

Share this information:

ISUSULONG ng Commission on Elections (Comelec) na gawing kriminal ang pagtakbo bilang mga panggulo o “nuisance” na kandidato sa mga eleksyon sa bansa.

Batay sa Comelec Rules of Procedure Part V Rule 24, masasabing walang malinaw na intensyon na tumakbo sa posisyon sa gobyerno ang sino mang kandidato na kukutyain ang proseso ng eleksyon o sinasadyang magdulot ng kalituhan sa mga botante lalo na kung may kapangalan ng mga rehistradong kandidato.

Sa sandaling deklaradong nuisance ang isang kandidato ay kakanselahin ang kanyang certificate of candidacy.

Gayunman, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang pagsulputan ng mga nuisance o pampagulong kandidato ay nagiging trend na kada halalan kaya’t nangangailangang maparusahan.

Isusulong po sa pamamagitan ng administration ni Chairman George Garcia na sana ‘yung mga ganitong bagay ay mai-declare, ma-criminalize po kasi nagiging uso ito. Paulit-ulit na lang kada eleksyon, meron at merong tumatakbo na halos kapangalan, katunog ng pangalan ng mga lehitimong kandidato na ang tanging dahilan ay para gawing mockery ang eleksyon, lituhin ang mga tao,” ayon kay Laudiangco.

So, isusulong po ng Comelec na sana ma-criminalize ito nang hindi lang sa boto ang pinaguusapan natin, kundi maparusahan sila ng may pagkaka-kulong at ma-fine po,” dagdag nito.

Nauna na ring umapela si Comelec Chairman George Garcia sa Kongreso na amyendahan ang rules of procedure upang maging malinaw ang kahulugan ng pagiging “nuisance candidate” at mairekomenda ang paghahain ng kasong kriminal sakaling mapatunayang panggulo lamang sa eleksyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.