Mga informal settler sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, idinispatsa na

BOLUNTARYO nang naghakot ng kani-kanilang mga gamit ang may labing isang pamilya na nakatira sa lupang pag-aari ng Ninoy Aquino Wildlife Center-DENR sa Quezon Avenue Project 6, Quezon City.

Ayon kay Emmanuel Lagamson, Area Coordinator ng Housing Community Development and Resettlement Department ng Quezon City Hall, dumaan sa maraming beses na dayalogo bago nakumbinsi ang mga residente na lumipat sa inilaang relokasyon sa kanila.

Nabatid na taong 2017 pa umano nagsimula ang dayalogo at ngayon lamang nagkaroon ng katuparan ang paglilioat sa kanila.

Ang nasabing lupa ay pag-aari ng DENR kung saan dekadang taon din itong ginamit ng mga residente.

Sabi pa ni Lagamson, nagkasundo ang DENR at Philippine Children’s Medical Center na pagtatayuan ng mga bagong gusali ng ospital para sa mga batang may cancer.

Samantala, kumpleto naman sa kuryente, tubig, eskwelahan, palengke, simbahan ang Pandi 2 Village Pandi Bulacan kung saan ililipat ang mga inalis na residente ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.