Kapatid ng DOLE chief, tatakbong senador

Share this information:

KINUMPIRMA ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na kapatid niya ang isa sa naghain ng kandidatura sa pagka-senador noong panahon ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa national position sa Halalan 2022.

Siya ay si Silvestre Bello Jr., na tumakbo sa nasabing posisyon sa ilalim ng PDP-Laban noong Oktubre 8, ang huling araw ng COC filing.

“Kapatid ko ‘yun, hindi ko naman sya mapigilan,” pahayag ni Bello sa  online briefing nang tanungin kung kilala niya si Silvestre Bello Jr.

Nang tanungin din kung may posibilidad ang pagpapalit sinabi ng kalihim na may posibilidad.  “Nandyan ang possibility, that’s a possibility, kasi depende nga talaga kung ano, what will be good for our country.” pahayag ng kalihim

Isa si Bello sa Kabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte na inisyal na napiling tatakbo sa senatorial slate ng  PDP-Laban Cusi Wing.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga health workers, tutol na ibaba sa Alert Level 3 status ang NCR

Fri Oct 15 , 2021
TUTOL ang  grupo ng mga health workers sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibaba sa Alert Level 3 status ang Metro Manila.  Ayon kay Robert Mendoza, Presidente ng Alliance of Health Workers, dapat pinalawig pa hanggang katapusan ng Oktubre ang Alert Level 4 status upang makapagpahinga ang mga […]
%d bloggers like this: