Mga gumaling sa COVID-19 sa Muntinlupa City, lagpas 3,000 na

Share this information:

Umabot na sa 3,426 ang bilang ng mga residente sa lungsod ng Muntinlupa ang nakarecover sa Coronavirus disease o Covid-19 matapos ang mabilis na pagtugon ng mga health workers sa paglaban kontra pandemya.

Ayon sa Muntinlupa City Public Information Office (PIO) nasa 4,147

ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit na COVID-19 sa lungsod.

Habang nasa 584 naman ang bilang ng active cases.

Samantala nanatili parin sa 137 ang bilang naman ng mga binawian ng buhay dahil sa pagkahawa sa sakit na virus.

Habang nasa 668 naman ang bilang na maituturing na probable cases mula sa siyam na mga barangay ng lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.