Mahigit sa P4-milyon halaga ng high grade shabu na ipinuslit mula sa Amerika ang nasabat ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) complex.
Ayon kay PDEA NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group Operatives Gerald A. Javier ang naturang parcel ay idineklarang mga laruan at regalo na ipinadala ni Marry Ann Acosta ng 1736 E. Charleston Blvd. Las Vegas USA.
Naka consignee ang nasabing parcel sa isang Andrea M.Cuevas ng Purok 3, Barangay Santa Monica, Hagonoy, Bulacan.
Sinabi ni Javier na nadiskubre ang parcel na naglalaman ng 600 gramo ng naturang shabu na nagkakahalaga ng P4,080,000.00 ng dumaan sa random inspection at K9 sweeping operation sa isang Cargo Warehouse, sa NAIA Complex, sa Andrews Ave. Pasay City.
Ang naturang kontrabando ay nai-turn-over na ng Bureau of Customs sa PDEA para sa karagdagan pagsusuri.