Mga electric minibus, bibiyahe na ngayong buwan sa Maynila

Share this information:

Magsisimula na ngayong buwang ito ang pagbiyahe sa mga kalsada ng Maynila ng fully electric minibuses.

Mismong si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama si GET Philippines Chief Executive Officer Freddie Tinga, ang magkatuwang na naglunsad ng “COMET” na isang fully electric minibus, sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa Kartilya ng Katipunan Park sa Ermita, Manila kahapon.

Pinangunahan rin ng dalawang opisyal ang ceremonial ride ng inisyal na limang electric minibus sa paligid ng lungsod.

Nabatid na ang mga electric minibus, na may ruta mula Maynila hanggang Pasay sa South at Quezon City at Valenzuela, Bulacan sa North, ay pansamantala munang bibiyahe ng libre.

Inaasahan namang sa darating na Hunyo, may 45 pang electric buses ang bibiyahe para makapagsilbi sa mas marami pang pasahero.

Kailangan din muna ng mga pasahero na mag-download ng GET PASS App upang mamonitor sila ng COMET sa contact tracing para makatiyak sa kalusugan ng bawat pasahero at makasunod sa health protocols.

(With story from Joyce Fernan; photo from Manila PIO Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Apela ng Dutch national sa kaso nito, ibinasura ng BI

Mon Mar 8 , 2021
Ibinasura ng  Bureau of Immigration  (BI)  ang  apela ng Dutch national na si Oto Rudolf De Vries hinggil sa kanselasyon  ng kanyang residence visa. Sa kautusan ng Board of Commissioners (BOC)  ng BI  na  may petsang Pebrero 26, hindi nila tinanggap ang kahilingan ni Vries na baguhin ang desisyon na nakasaad […]

Follow Us

%d bloggers like this: