Apela ng Dutch national sa kaso nito, ibinasura ng BI

Share this information:

Ibinasura ng  Bureau of Immigration  (BI)  ang  apela ng Dutch national na si Oto Rudolf De Vries hinggil sa kanselasyon  ng kanyang residence visa.

Sa kautusan ng Board of Commissioners (BOC)  ng BI  na  may petsang Pebrero 26, hindi nila tinanggap ang kahilingan ni Vries na baguhin ang desisyon na nakasaad sa Section 13 ng permanent visa ruling.

Sa kanyang motion for reconsideration na kanyang isinumite, ibinasura ito ng BI BOC dahil walang bago sa mga isinumiteng  mga ebidensiya.

Matatandaan na noong Nobyembre, kinasela ng BI ang kanyang visa kasunod ng impormasyon ng pamahalaan na siya ay aktibong sumasama sa mga protesta sa bansa.

Nabatid na si De Vries na narito na sa bansa simula Setyembre 2019 ay nakikita sa ilang protesta sa Mendiola at Pasig.

Bukod sa kanselasyon ng kanyang visa, ay inutusan din siya na umalis ng bansa dahil sa pagiging undesirable alien at kasama sa BI blacklist.

“There were photos of him engaged in several rallies in the country.  Foreigners have no business joining such activities as it is a clear violation of their conditions of stay,”  ayon kay Morente. 

“Time and time again we remind foreign nationals not to engage in partisan political activities. There are no exemptions, even permanent residence visas may be canceled for said violation,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.