417 doses ng CoronaVac galing DOH, dumating na sa Bataan

Share this information:

Dumating na sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) nitong Sabado ang mga bakuna kontra COVID-19 para sa mga healthcare workers.

Ayon kay Bataan Governor Abet Garcia, ang 417 doses ng CoronaVac na tinanggap ng BGHMC sa pamumuno ni Medical Center Chief Dr. Glory Baltazar ay mula sa Department of Health (DOH).

Sa ngayon, nasa 2,680 doses ang nakalaan para sa lalawigan ng Bataan at inaasahang ipadadala ang iba pa sa mga susunod na araw.

Inumpisahan na din ngayong araw ang pagbabakuna sa mga medical frontliners mula sa BGHMC at iba pang mga pampublikong ospital dito sa Bataan. 

Ayon pa sa gobernador, inaasahang tuluy-tuloy na ang programa sa pagbabakuna na magbibigay ng proteksyon para sa kaligtasan na rin ng mga pamilyang Bataeño.

Ipinaaalam din Gov. Garcia sa lahat na ginagawa aniya ng pamahalaang panlalawigan ang buong makakaya nito upang maisagawa nang ligtas ang pagbabakuna para sa bawat Bataeño.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga electric minibus, bibiyahe na ngayong buwan sa Maynila

Mon Mar 8 , 2021
Magsisimula na ngayong buwang ito ang pagbiyahe sa mga kalsada ng Maynila ng fully electric minibuses. Mismong si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama si GET Philippines Chief Executive Officer Freddie Tinga, ang magkatuwang na naglunsad ng “COMET” na isang fully electric minibus, sa isang simpleng seremonya na […]

Follow Us

%d bloggers like this: