Mga doktor sa PGH, naantig sa mensahe ni Yorme Isko

Napaka-importante  umano ang “sistema”  na inilaan ng gobyerno, ng Department of Health (DOH).

Inihayag ito ni UP College of Medicine-Philippine General Hospital (UPCM-PGH) Professor of Surgery Dr.  Rodney Dofitas, kung saan isa aniya siya sa mga naantig ang damdamin sa naging mensahe ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa pag-arangkada ng vaccination program ng pamahalaan sa PGH nitong Marso 1.

“Naantig din ang puso ko, sabi niya paniwaalan natin ang sistema  na inilaan sa atin ng gobyerno, ng pamahalaan natin, hindi ito panahon na …distrust o magdududa ka sa kapwa mo, ito ay panahon na magtulong -tulong tayo hindi lang isang Filipino, so trust the system, yun talaga pinaka-importante,” ayon pa sa surgeon.

Aniya, ito na ang sistema na inilaan ng gobyerno, dumating na ang bakuna kaya dapat magpabakuna na ang publiko.

Sinabi ito ni Dr. Dofitas sa Kapihan session ng DOH kung saan ibinahagi nila ang kanilang karanasan sa kanilang pagpapabakuna ng Sinovac vaccine nitong Lunes bilang bahagi sila ng prayoridad ng gobyerno bilang mga health workers.

Wala naman aniya silang naramdaman na anumang adverse effects at katunayan ay naging maganda pa ang kanilang pakiramdam matapos na mabigyan ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.