Mga di-lisensiyadong COVID-19 test lab sa Valenzuela, ipinasara

Share this information:

Agad ipinasara at sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang business permit ng Bestcare Medical Clinic at Diagnostic Center, Inc. sa Barangay Karuhatan.

Ito ay makaraang matanggap ang mga ulat na nag-aalok ito ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) swab test kahit na walang lisensya bilang isang accredited COVID-19 testing facility.

Ang pagpapasara sa Bestcare ay isinagawa matapos magpalabas si Mayor Rex Gatchalian ng Executive Order No. 015 and 016 Series of 2021.

Ang mga batayan ng pamahalaang lungsod para sa pagsuspinde ng business permit ay dahil paglabag sa Mayor’s Permit, paglabag sa Waiver/Undertaking, paglabag sa Consumer Rights, at paglabag sa provision ng Local Government Code on General Welfare.

Ang Bestcare ay lumabag din sa mga probisyon ng RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concerns Act para sa pagkabigo na mag-ulat ng COVID-19 test results at para sa di-umano’y paglabas ng mga resulta ng RT-PCR na walang lisensya bilang isang COVID- 19 testing laboratory.

Sa liham nito na may petsang Enero 27, ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod ay naglabas ng isang notice to explain sa Bestcare Medical Clinic matapos makatanggap ng impormasyon ang tanggapan na ang clinic ay “committed acts of falsifying swab test results”  gamit ang pangalan ng ibang laboratoryo.

Habang ito ay under investigation pa rin, minabuti ng pamahalaang lungsod na suspindihin ang business permit ng Bestcare bilang proteksyon sa consumer rights at kapakanan ng publiko habang ang klinika ay nag-aalok ng COVID-19 RT-PCR test sa ilalim ng pangalan nito kahit walang lisensya bilang isang COVID-19 testing facility.

Sa tugon ng Bestcare sa lungsod na may petsang Enero 29, hindi rin direktang hinarap ang isyu sa nakasulat na paliwanag nito para sa umano’y “questionable actions.”

Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa publiko na maging mapagbantay at mag-ingat sa mga laboratoryo na nag-aalok ng mga kahina-hinalang COVID-19 test at serbisyo saka iulat ang mga posibleng paglabag sa City Permits and Licensing Office sa 8352-1000.

(Photo credit: valenzuela.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Tatlo, nalambat sa halos P.9 milyon shabu sa Navotas

Mon Feb 1 , 2021
Tatlong suspek sa ilegal na droga ang timbog matapos makumpiskahan ng halos P0.9-milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga naarestong suspek na si Rodolfo Legaspi, 39 anyos, (pusher/listed), ng B. Cruz St. Brgy. Tangos, Glen Mark Lacson, […]

Follow Us

%d bloggers like this: