Tiklo ang 390 katao sa SACLEO sa Batangas

Share this information:

CAMP GEN. MIGUEL MALVAR ,BATANGAS–Umabot sa 390 na katao ang naaresto  sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO)  ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa pamumuno ni Provincial Director Col. Rex Malimban, ayon kay Public Information Chief ng Batangas na si Lt. Mary Ann De Villa Espina.

Kabilang sa mga naaresto ay ang dalawang miyembro ng gun-for-hire  group, limang miyembro  ng isang drug syndicate at isang High Value Individual (HVI).

Nasa 136 drug personalities  ang nahuli sa isinagawang sunod-sunod na mga buy-bust operation habang isa rito ang nasawi  matapos manlaban sa mga operatiba ng Lipa City PNP.

Tinatayang 107.08 gramo ng shabu at 30 gramo ng marijuana ang nakumpiska na may kabuuang higit kumulang P731,744.

Nasa 132 katao naman ang naaresto sa anti-illegal gambling operation.

Labing-tatlo ang nahulihan ng ilegal na baril  sa paghahain ng Search Warrant, checkpoint at pagtugon sa mga report ng iligal na pagpapaputok.

Ayon pa kay Espina, sa pagpapaigting ng kampanya kontra wanted person, 96 ang nahuli sa bisa ng mga warrant of arrest. Tatlo ang tinaguriang Most Wanted Persons sa Regional Level, lima ang Most Wanted Persons sa Provincial Level habang 37 naman ang Most Wanted Person sa City at Municipality level.

Maging ang miyembro ng  Michael Florendo Gun for Hire group  na si Carding Mendoza y Mendoza, 38 taong gulang, ng Brgy. Sampiro, San Juan, Batangas na kabilang sa drug watchlist ay napatay sa buy-bust operation matapos itong manlaban sa operatiba ng San Juan Municipal Police Station noong Miyerkules ng nakaraang linggo ng gabi sa barangay Buhay na Sapa sa San Juan.

Sa pahayag ni Col. Malimban, ”Mula  po sa hanay  ng ating kapulisan dito sa probinsya ng Batangas, tuloy-tuloy lamang ang aming serbisyo para sa kaligtasan ng bawat isa. Ang impormasyon  at suporta mula po sa ating mamamayan ay malaking tulong sa tagumpay ng aming kampanya kontra kriminalidad.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga di-lisensiyadong COVID-19 test lab sa Valenzuela, ipinasara

Mon Feb 1 , 2021
Agad ipinasara at sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang business permit ng Bestcare Medical Clinic at Diagnostic Center, Inc. sa Barangay Karuhatan. Ito ay makaraang matanggap ang mga ulat na nag-aalok ito ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) swab test kahit na walang lisensya bilang isang accredited COVID-19 testing […]

Follow Us

%d bloggers like this: