Mga critical zone o lockdown area, binabantayan ngayon ng PNP sa NCR

Share this information:

NASA 22 na mga critical zone o lockdown area ang patuloy na binabantayan ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa pahayag ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, 16 sa mga lockdown area ay sa Northern Police District (NPD), lima sa Manila Police District (MPD) at isa sa Southern Police District (SPD).

Wala namang naitalang critical zone sa mga lugar na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Eastern Police District (EPD) at Quezon City Police District (QCPD).

Nasa 26 ng mga kabahayan ang naka-lockdown sa ngayon sa NCR, kung saan 16 ang naka-lockdown sa NPD at nasa tig-limang kabahayan sa MPD at SPD.

Nasa kabuuang 54 na indibidwal ang binabantayan ngayon ng PNP sa NPD, lima sa MPD, at 11 lugar sa nasasakupan ng SPD.

Sinabi ng PNP na ang pagsasailalim sa lockdown sa mga natukoy na lugar kung saan may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay mahalaga upang makontrol ang pagdami ng kaso ang mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.