MAGING ang Presidential Security Group o PSG ay hindi rin pinaligtas ng COVID-19.
Ayon kay PSG Commander Randolph Cabangbang, aabot na sa 15 miyembro nito ang nagpositibo sa naturang sakit.
Ngunit nilinaw naman nito na yaong mga miyembro ng PSG na positibo sa COVID-19 ay galing umano sa “holiday break.”
Hindi rin nagkaroon ng contact ang mga pasyente kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon pa kay Cabangbang, ang mga miyembro ng PSG na nagpositibo ay mga bakunado na kontra COVID-19, at wala umanong sintomas.

