27 kawani ng DOLE, nagpositibo sa COVID-19

Share this information:

SINABI ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 27 empleyado nito ang nagpositibo sa sakit na COVID-19.

Ito ang pahayag ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay sa Laging Handa public briefing, at nagsabing nakakalungkot ang sitwasyon.

Noong lamang Lunes, sabi ni Tutay, ay tatlong kaso lamang ang naitala, ngunit hanggang kahapon ay mayroon nang 27 COVID-19 kaso ang DOLE.

Sinabi ni Tutay na may mga nagpapa-test pa rin hanggang sa kasalukuyan at may mga nagpo-positibo.

Tiniyak naman ni Tutay na nagpapatuloy ang COVID-19 testing ng DOLE para sa mga kawani nito.

Kasabay nto ay nagsasagawa rin ng disinfection sa mga tanggapan.

Hindi rin daw apektado ang trabaho ng DOLE bagama’t nasa 30 porsiyento lamang ang on-site work capacity at mayroon ding mga manggagawa na naka-work-from-home arrangement upang maipagtuloy pa rin ang kanilang mga tungkulin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.