Mga biktima ng summary execution, itinapon sa palayan

Share this information:

Dalawang di pa nakikilang kalalakihan na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa isang palayan sa Pila, Laguna .

Nadiskubre ng mga nagjo-jogging sa Pila Road, Brgy. Tubuan kaninang alas 5 ng madaling–araw ang mga lalaking biktima na tinatayang nasa edad 30-35 anyos.

Nakasuot ng maong na pantalon at dilaw na pang itaas ang isa sa mga biktima, habang ang isa naman ay naka itim na pantalon at itim na jacket  na may puting sapatos at may mga tattoo sa katawan.

May mga tama din ng bala sa ulo ang mga ito at hinihinalang doon din pinatay dahil sa sariwang dugo na nakakalat sa lugar.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang Pila Police sa pagkaka-kilanlan ng mga pinaslang, habang inaalam din kung sino ang pumaslang sa mga ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Fil-Am singer keeps topping global music charts

Thu Jan 21 , 2021
So who says only Filipinos are into “hugot” songs? If there’s a Moira dela Torre in our midst who’s well loved in these parts, then you might want to listen to 17-year-old Filipino-American singer Olivia Rodrigo, whose new single “Drivers license” is topping global music charts. She’s topped practically every […]

Follow Us

%d bloggers like this: