Mga batang 5-11 taong gulang, inaasahang mabakunahan bago matapos ang taon — FDA

Share this information:

INAASAHAN ng Food and Drug Administration (FDA) na makakapagbakuna na ng mga batang lima hanggang labing isang taong gulang sa Disyembre o bago matapos ang taon

Mangyayari ito, ayon sa ahensiya, basta makapag-sumite na ng aplikasyon ang Pfizer para sa kinakailangang amendment ng Emergency Use Authorization (EUA) ng naturang brand ng COVID-19 vaccine.

Sa isang press briefing sa Malakanyang, paliwanag ni FDA Director General Undersecretary Eric Domingo na sa ngayon ay kinukumpleto na lamang ng Pfizer ang kanilang mga data at makapag-sumite ng mga requirements para sa aplikasyon para sa nasabing amendment ng EUA.

Samantala, sinabi ni Domingo na hinihintay din nila ang isusumiteng data ng Sinovac para din sa pag-amyenda ng kanilang EUA para sa COVID-19 vaccines sa mga menor de edad 17 taong gulang pababa.

Inaasahan din nilang makukumpleto ng Sinovac ang kanilang mga data at makapagsusumite na rin sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.