Mga barangay official na dedma sa mga residenteng may COVID-19, kakasuhan -DILG

Share this information:

BINALAAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal at tauhan ng barangay na makakasuhan sila kung hindi aaksyon sa mga nasasakupang residente na tinamaan ng COVID-19.

Hinihimok ni DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo Florece Jr. ang publiko na agad na isumbong sa kanila kung hindi sila tutulungan o dededmahin ng mga taga-barangay kapag nagpapatulong kaugnay ng kaso ng COVID-19.

Aming aaksyunan ‘yan at kakasuhan natin kung talagang hindi sila tumutugon sa kanilang responsibilidad,” ani Florece.

Ang pahayag ni Florece ay kasunod ng mga ulat na may ilang barangay personnel ang tumatangging tumulong sa mga residenteng may COVID-19 dahil sa takot na mahawahan din ng virus.

Ayon kay Florece, may atas ang DILG sa mga barangay official na pangasiwaan ang sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Tinukoy din nito ang umiiral na Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act na batayan ng pananagutan ng mga barangay personnel.

Diin pa ni Florece, ang mga opisyal at tauhan ng barangay ay bahagi ng barangay health emergency response teams (BHERTs). 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.