Mayor Isko, handa nang magpabakuna gamit ang Sinovac

Share this information:

Handa na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na magpabakuna ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ito ang inihayag ng alkalde  sa Manila City Council (MCC) sa pangunguna ni  Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan matapos aprubahan ng  Food and Drug Administration (FDA) ang  Emergency Use Authorization (EUA) ang COVID-19 vaccine mula sa Sinovac Biotech, isang  Beijing-based biopharmaceutical company.

Kasabay nito, pinulong ng alkalde ang buong Sangguniang Panlungsod  upang ihayag ang kanyang kahandaan  para sa roll out ng unang bakuna na available sa lungsod.

“Anuman ang bakuna, basta sertipikado at may EUA ng FDA, gagamitin natin. May karapatan kayong maging choosy. Pwede kayo maghintay ng bakunang type ninyo. Pero para sa akin, basta may EUA gagamitin po natin (We will use whatever vaccine is certified and given an EUA by the FDA. You have the right to be choosy. You can wait for the vaccine that you prefer. But for me, if it has an EUA then we will use it).” ayon pa sa alkalde.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.