Cadaver bags, medical tents, ipinadala ng PRC sa Cebu City

NAGPADALA na ng karagdagang medical tents ang Philippine Red Cross (PRC) sa PRC Cebu City Chapter upang suportahan ang lokal na pamahalaan ng Cebu.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 3,316 na mga kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang nitong Agosto 8, 2021.

Nagpadala na din ang PRC ng karagdagang 300 mga cadaver bag dahil na rin ang Cebu City ay nakikitaan ng average na anim hanggang pitong kumpirmado o suspected COVID-related deaths kada araw ngayong Agosto.

Nauna nang idineklara ng OCTA Research Group na ang syudad ay nasa gitna ngayon ng pinakamalalang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

What’s happening in Cebu is truly alarming. That is why I immediately had sent the additional medical tents para sa mga kababayan natin diyan sa Cebu. The PRC will always be there, and I’ll make sure of it, para labanan natin ang pandemyang ito,” pahayag ni PRC President and CEO Senator Richard Gordon.

Noong Hunyo 2020, nagsagawa ng isang programa sa pamamagitan ng pagdedeploy ng mga medical tent na magsisilbing mga triage at isolation area sa Cebu upang tumugon sa pagdagsa ng mga kaso sa rehiyon.

Ayon kay PRC Cebu Chapter Administrator Atty. Vera De Jesus, mayroon nang natanggap na medical tents ang chapter, at ngayon ay nakatanggap pa ng karagdagang anim mula sa PRC National Headquarters sa Mandaluyong City. 

May sukat na 72 square meters ang bawat medical tent na may 8 hanggang 10 bed capacity at lahat ay fully equipped.

Ilalagay ang mga tents sa Cebu City Medical Center at Chong Hua Hospital upang madagdagan ang pangangailangan sa mga kama para sa mga pasyente ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.