Mga bagong kaso ng COVID-19, sumampa sa 3,356 ngayong araw

Umakyat na sa 597,763 ang bilang ng kabuuang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos madagdagan pa ng 3,356 na bagong kaso ngayong araw.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong hapon.

Ang mga gumaling naman sa sakit ay nadagdagan ng 61 kaya umabot na sa 545,912 ang kabuuang recoveries.

Kaugnay nito, lima lamang ang mga kasong naitala na pumanaw ngayong araw kung saan umabot na rin sa 12,521 ang kabuuang namamatay dahil sa sakit na COVID-19.

Nasa 6.6 percent o katumbas ng kabuuang 39,330 ang mga aktibong kaso na mga ginagamot sa iba’t-ibang mga ospital at pasilidad sa bansa.

Muling nagpaalala ang DOH na sa lahat ng panuntunan, tiyakin ang wastong pagsunod sa mga helath protocol.

Sa kabila ng mga naitatalang bagong variant at mutations ng COVID-19 mag BIDA+Solusyon para tiyakin ang kumpletong proteksyon laban sa  sakit.

Una nang sinabi ng DOH na hindi lamang ang mga variant na nagsusulputan ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ngayon sa bansa kundi ang hindi tama o wastong pagsunod sa minimum public health standard tulad ng pagsusuot ng facemask at faceshield, paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng sapat na daloy ng hangin sa loob ng mga gusali.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.