Mga bagong kaso ng COVID-19, nasa 2,668 ngayong araw

Share this information:

Pumalo na sa mahigit na anim na raang libo  ang bilang ng nagpopostibo sa COVID-19 sa bansa.

Sa case update ng Department of Health (DOH) ngayong  araw, Marso 9, nasa kabuuang 600,428 na ang bilang ng nagpopositibo sa sakit kung saan 2,668 ang nadagdag ngayong araw.

Mayroon namang 171 na nadagdag sa mga gumaling kung saan ang kabuuan naman ay nasa 546,078 recoveries.

Nasa pito naman ang naitalang nadagdag sa mga pumanaw dahilan para sumampa na sa 12,528 ang mga namamatay sa COVID-19.

Kasalukuyan namang ginagamot pa sa mga quarantine facility  at ospital ang nasa 41,822 mga aktibong kaso.

Halos 95.5 percent naman ang mild at asymptomatic na kaso.

Kaugnay pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso sa ilang mga lungsod, inatasan na ng DOH at Inter-Agency Task Force ang mga local government units o LGUs na magpatupad ng localized lockdown sa kanilang nasasakupan kapag nakitaan ng paglobo ng kaso sa mga barangay o komunidad

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.