MPD, tiniyak na lulutasin ang kaso ng pagdukot sa dalawang pulis Maynila

Share this information:

Tiniyak ng pamunuan ng Manila Police District (MPD)  na lulutasin ang kaso ng pagdukot sa dalawang pulis sa Maynila.
 
Sa press briefing ng MPD, sinabi ni MPD Director PBrig. Gen. Leo Francisco na unique o naiiba ang dalawang insidente lalo na at pulis ang dinukot.
 
Unique aniya ang kaso lalo na at maraming kasong nalulutas ang MPD gayunman, sampal naman aniya sa kanyang command ang naturang mga insidente.

Aminado rin si Francisco na nahihirapan o mistulang dumaraan sila sa butas ng karayom sa paglutas sa kaso dahil hindi buo ang kumpiyansa ng pamilya ng mga nadukot na pulis sa imbestigasyon ng MPD.
 
Aniya lahat na ng CCTV sa mga lugar ng pinangyarihan ng krimen at mga lugar kung saan dumaan ang sasakyan ay namonitor na rin ng pulisya.
 
 Ngunit kanyang idinagdag na pag lumabas na sa Metro Manila ay wala na silang maaaring daan upang matunton ang mga suspek.
  
Sa gitna nito, tiniyak ni Francisco sa pamilya ng mga biktima na gagawin ng MPD ang lahat ng kaparaanan upang matagpuan ang mga biktima at mapanagot ang mga salarin.
 
 Matatandaang si Police Cpl. Allan Hilario, na nakatalaga sa Manila Police District Station 11 ay unang dinukot ng mga armadong lalaki sa Binondo at mahigit isang linggo lamang ang nakalipas ay sunod na dinukot si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41-anyos, na huling nakatalaga sa MPD Station 7 Tayuman PCP at residente ng Alley St., Brgy 601, Sta Mesa, Manila.
 
 
Mula nang sila ay dukutin, ang dalawang pulis Maynila ay hindi pa bumabalik sa kanilang pamilya. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga bagong kaso ng COVID-19, nasa 2,668 ngayong araw

Tue Mar 9 , 2021
Pumalo na sa mahigit na anim na raang libo  ang bilang ng nagpopostibo sa COVID-19 sa bansa. Sa case update ng Department of Health (DOH) ngayong  araw, Marso 9, nasa kabuuang 600,428 na ang bilang ng nagpopositibo sa sakit kung saan 2,668 ang nadagdag ngayong araw. Mayroon namang 171 na […]

Follow Us

%d bloggers like this: