Mga bagong kaso ng COVID-19, nadagdagan ng 2,452 ngayong araw

Share this information:

Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ngayong araw, Marso 4.

Sa pinakahuling update ng DOH, 2,452 pang mga bagong kaso ang nadagdag kaya umabot na sa kabuuang 584,667 ang nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Nasa 266 naman ang nadagdag sa mga gumaling kung saan ang kabuuan ngayon ng mga recoveries ay umabot na sa 535,037.

Umabot naman sa 12,404 ang mga namamatay sa sakit matapos umabot sa 15 ang tala ng mga namatay sa araw na ito.

Kasalukuyan namang ginagamot ang nasa 37,226  na mga aktibong kaso kung saan  90.1 percent ang mild case, 4.9 percent ang asymptomatic, 2.1 percent ang kritikal, 2.1 percent ang severe case at 0.81 percent ang moderate. 

Mayroon namang walong duplicates ang inalis sa total case counts kung saan dalawa rito ang recoveries.

Limang kaso naman ang nai-tag na recoveries ngunit na-reclassify bilang pumanaw sa final validation.

Sa ika-apat na araw na vaccination, umaasa ang DOH na mas marami pang mga medical worker ang magpapabakuna ng Sinovac vaccine mula sa iba’t-ibang hospital bagamat nakatakdang dumating ngayong gabi ang AstraZeneca vaccines.

Paalala ng DOH, huwag magpakampante kahit may bakuna na dahil maari pa ring mahawa ng sakit kahit mababa na ang tiyansa ng pagkakaospital.

Lagi ring tandaan ang mahigpit na pagsunod sa health protocols at minimum public health standards.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga vial na ginamit sa roll out, bawal i-recycle -- DOH

Thu Mar 4 , 2021
Bawal na bawal na i-recycle ang mga vial para sa nagamit, lalo na sa paggawa ng pekeng bakuna. Babala ito ng Department of Health (DOH) kasabay ng pagtitiyak na mayroong tamang paraan ng disposal o pagtatapon para sa mga vial o maliit na bote at syringe o mga heringgilya na […]

Follow Us

%d bloggers like this: