Mga vial na ginamit sa roll out, bawal i-recycle — DOH

Share this information:

Bawal na bawal na i-recycle ang mga vial para sa nagamit, lalo na sa paggawa ng pekeng bakuna.

Babala ito ng Department of Health (DOH) kasabay ng pagtitiyak na mayroong tamang paraan ng disposal o pagtatapon para sa mga vial o maliit na bote at syringe o mga heringgilya na ginamit sa COVID-19 vaccination rollout sa bansa.

Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum na may inilaan ang pamahalaan katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at local government units (LGUs) na hiwalay na landfill para sa pagtatapunan ng naturang mga gamit sa pagbabakuna.

Paliwanag ni Vergeire, layon nito na hindi makapinsala sa kalusugan ng publiko ang pagtatapon ng itinuturing na “bio-hazard wastes.”

Upang matiyak naman na magtutugma ang tally ng mga vial na nagagamit para sa pagtatapon nito ay binibilang din ito umano pagkatapos ng vaccination.

Ito ay ilalagay sa ligtas na sisidlan o container para naman sa maayos na disposal sa hiwalay na landfill para dito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Two new LRT-2 stations to start operations in April 2021

Thu Mar 4 , 2021
RAIL commuters coming from and to the east side of Metro Manila will soon experience a more convenient travel as the two new additional stations of the LRT-2 East Extension Project will finally commence operations on 27 April 2021. The two new stations – the Marikina Station (in front of […]

Follow Us

%d bloggers like this: