Breaking News

Share this information:

NASA kabuuang 7,450 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw, Hunyo 4, 2021, mas mataas ng bahagya kumpara sa 7,217 na mga bagong kaso kahapon.

Dahil diyan, umaabot na sa 1,255,337 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa at sa nasabing bilang, 60,794 ang mga aktibong kaso na patuloy pang nagpapagamot o nagpapagaling sa mga pampublikong pagamutan at mga quarantine facility.

Nasa 181 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na mas mababa kumpara sa 199 na naitala kahapon at sa ngayon ay pumalo na sa 21,537 ang kabuuang total ng mga nasawi sa nakamamatay na virus.

Dumami ang bilang ng mga nasawi ngayong araw dahil ang 119 na dating nakatala bilang recoveries ay natukoy na pumanaw na matapos ang final validation ng DOH.

Aabot naman sa 2,382 ang mga bagong gumaling na mas mababa kumpara sa 3,483 na naitala kahapon at sa ngayon ay nasa 1,173,006 na ang total recoveries.

Nasa 13.6-percent naman ang positivity rate o ang mga nagpositibo mula sa 48,862 na tinest.

Karamihan pa rin o 96 percent ng mga kaso ay mild at asymptomatic o walang sintomas.

Samantala, nilinaw ng DOH na bagamat operational ang lahat ng mga laboratoryo nuong Hunyo 2, 2021 na pinagkunan ng datos na inilabas ngayong araw, mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.

Kung pagbabatayan ng DOH ang datos sa nakalipas na 14 na araw, ang kontribusyon ng nasabing limang laboratoryo ay 2.0 percent ng lahat ng samples na nai-test at 2.7 percent ng mga nagpositibong indibidwal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: