Mga baboy galing Mindanao, dadalhin na sa NCR

Share this information:

Dumating na ang libo-libong mga baboy na nagmula pa sa Mindanao at nakatakdang dalhin na sa Metro Manila.

Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar, kasama ang mga opisyal ng Regional Field Office IV-CALABARZON na pinamumunuan ni OIC-Regional Executive Director Vilma Dimaculangan, ang pagsalubong sa 1,350 buhay na baboy nagmula pa sa General Santos City, South Cotabato sa Mindanao.

Ang mga baboy ay dumating na sa Talao-Talao Port, Lucena City, Quezon ngayong araw.

Ang mga nasabing baboy ay iluluwas naman sa Kalakhang Maynila bilang bahagi ng pagsisiguro ng DA sa tuluy-tuloy na pagsusuplay ng pagkain sa merkado; gayundin na matulungang kumita ang mga magbababoy kasabay ng pagtitiyak ng abot-kayang suplay sa mga konsyumer.

Sa isang panayam ay sinabi ni Sec. Dar na ang mga mamimili ay makakasiguro na ang presyo ng mga produktong baboy ay alinsunod sa Executive Order No. 124 na nagtatakda ng price ceiling.

Samantala, siniguro ng DA sa CALABARZON, katuwang ang Bureau of Animal Industry, na ang paglapag/pagdaan ng mga baboy sa rehiyon ay naisaayos nang hindi nasasakripisyo ang mga quarantine protocol.

Ang pagba-biyahe sa mga baboy mula Region 12 o South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City (SOCCSKSARGEN) sa Mindanao ay saklaw ng “special hog lanes” kabilang ang “roll-on, roll-off” at mga ruta ng truck.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga tiwaling pulis, binalaan ng NCRPO chief

Tue Feb 16 , 2021
Binalaan ngayong umaga ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMajor General Vicente Danao, Jr.  ang mga pulis na nasasangkot sa katiwalian lalo na sa kanyang panahon. Sa katatapos na seremonya sa kanyang command visit sa Manila Police District (MPD) headquarters,  ibinuhos ng heneral ang kanyang galit sa ilang mga […]

Follow Us

%d bloggers like this: