Mga puno ng kape at cacao, itinanim sa Batangas

Share this information:

Umabot na sa kabuuang 1,000 puno ng kape at cacao ang naitanim na ng Philippine National Police (PNP) sa Mabini,  Batangas.

Pinangunahan ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) Provincial Director Police Col. Rex Malimban ang nasabing aktibidad kasama ang mga pulis mula sa Provincial Highway Patrol Team (PHPT)-Batangas, Batangas Provincial Mobile Force 1st and 2nd Company, at Mabini Municipal Police Station sa Sitio Bilolo, Brgy. Sta Ana, Mabini, Batangas.

Kabilang din sa mga nakiisa sa aktibidad ay si Mabini Municipal Mayor Noel Luistro, kung saan kanyang ipinahayag na ang tree-planting activity na pinanguhanan ng PNP ang magsisilbing inspirasyon upang sundan na ng mga local government units lalo na ng mga barangay sa kanyang nasasakupan.

Aniya, sa ginagawang ito ng kapulisan, siya ay naniniwalang mapapakinabangan ito hindi lamang ngayon kundi sa mga susunod pang mga taon.

Pahayag naman ni PCol. Malimban na ang “kalikasan ang nagbibigay buhay sa atin kaya malaki ang tungkulin natin sa pangangalaga nito dahil tayo rin ang nakikinabang dito. Sa munting paraan na ito, naipapahayag natin ang ating malasakit sa kapaligiran kaya hinihikayat po namin ang mamamayan na alagaan ang kalikasan sa inyong munting paraan gaya ng wastong pagtatapon ng basura at pagtatanim ng mga halaman.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.