Bilang ng mga lumalabag sa public health standards, patuloy ang pagbaba

 INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga lumalabag sa pinaiiral na public health standards sa bansa.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, mula nuong Oktubre 16 hanggang kahapon ay nakapagtala ang pambansang pulisya ng daily average na 9,753 violators ng protocol.

Sinabi ng PNP chief na ito ay mas mababa 10,304 na lumalabag araw-araw nuong panahong umiiral ang Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR).

Pagdating naman sa buong bansa, sinabi ni PGen. Eeleazar na bumababa rin ang mga nahuhuli sa paglabag na mula sa daily average na mahigit 63,000 noong Setyembre 16 hanggang Oktubre 16 ay nasa 48,283 na lang ang arawang bilang ng mga lumalabag hanggang kahapon.

Tinukoy ni Eleazar na 75-porsyento ng mga nahuli ay dahil sa paglabag sa minimum health protocol, 24-porsyento ay dahil sa hindi pagsunod sa curfew habang isang porsyento ay dahil sa hindi awtorisadong paglabas ng bahay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.