Meralco, may taas-singil ulit

Share this information:

SA ika-anim na magkakasunod na buwan, muling magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Setyembre.

Sa abiso ng kumpanya, aabot sa P0.1055 kada kilowatt hour ang magiging pagtataas sa bayarin sa kuryente. Mula sa P9.0036 per kilowatt hour na rate nuong Agosto ay magiging P9.1091 per kWh na ito ngayong buwan.

Katumbas ito ng P21 dagdag-singil para sa mga kustomer na kumukonsumo ng 200 kada kilowatt hour.

Ikinatwiran ng Meralco ang pagsipa ng halaga ng generation charge na kumakatawan sa 55 porsiyento ng electricity bill ng mga kustomer.

Tumaas din umano ang Power Supply Agreements (PSA) sa P0.2494/kWh.

The reduction in demand brought about by the re-imposition of enhanced community quarantine in Metro Manila and neighboring regions led to lower excess energy deliveries, which are priced at a discount, from South Premiere Power, San Miguel Energy, and AC Energy,” ayon sa Meralco.

Maliban dito, tumaas din umano ng P0.0955/kWh ang singil ng Independent Power Producers (IPP) dahil sa naranasang forced outage ng Quezon Power (460 megawatts) mula Agosto 18 hanggang 22 at power outage ng San Lorenzo Module 50 (265 MW).

Bago nag anunsiyo ng pagtaas, matatandaan na sinabi ng Meralco n suspendido muna ang kanilang service disconnection sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.