Intermission numbers, mga artista, gustong ipagbawal sa kampanya sa eleksyon 2022

Share this information:

IPINASASAMA ng isang kongresista sa Commission on Elections (Comelec) bilang bahagi ng mga panuntunan para sa kampanya sa eleksyon sa susunod na taon ang pagbabawal sa “intermission numbers” o ang pag-imbita sa mga artista at singer sa pangangampanya.

Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, binanggit ng Comelec na sa “draft manual” sa “new normal” na eleksyon, aabot lamang sa sampung porsyento ang papayagang kapasidad sa mga venue o lugar kung saan gaganapin ang campaign rally.

Dahil dito, humirit si Iloilo Rep. Lorenz Defensor na maipagbawal na rin ang pagpapasayaw o pagpapakanta sa mga artista at entertainter sa mga caucus o campaign rally upang maiwasang dumugin ang mga ito sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Tiniyak naman ni Comelec Commissioner Antonio Kho Jr., na iku-konsidera ng poll body ang panukala na hindi na mapayagan ang pag-iimbita ng mga artista at mula sa music industry para sa mga campaign rally.

Maaari aniyang maisama rin ito sa ilalabas na pinal na panuntunan ng Comelec…

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.