Pagtulong ng security guard sa bata, pinusuan ng mga netizen

Share this information:

PINUSUAN ng mga netizen ang kabutihan ni Edward Placencia, isang security guard ng isang fast food chain, matapos makuhanan ng larawan habang binibigyan ng tubig ang isang hindi pa nakikilalang batang lalaki. 

Ayon sa uploader na si Julius Paigalan, tinawag ng bata ang security guard na Kuya Edward at lumapit naman ang security guard at sinagot ang bata ng “yes sir,” at sumagot naman ang bata ng “Tubig” sabay ngiti nito. 

Inalok din ng guwardiya ang bata kung gusto nito ang soft drink, ngunit sumagot naman ang bata ng “hindi.” 

Mula sa isang panayam sa nasabing guwardiya, napag-alaman na kilala ni Kuya Edward ang bata sa mukha lamang at hindi sa pangalan dahil lagi nitong nakikita ang bata na naglalako ng walis.

Ayon sa guwardiya ay binibigyan niya din ang bata ng pagkain dahil naalaala niya dito ang kanyang sitwasyon noong kabataan niya. 

Umabot ng libo-libong reaction ang post na ito. 

(PHOTO CREDIT: Julius Paigalan)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.