“Mendiola Massacre,” ginugunita ngayong araw

Share this information:

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo sa Mendiola ngayong araw kasabay ng paggunita sa ika-34 na taong anibersaryo ng tinaguriang “Mendiola Massacre.”

May mga tauhan naman ng Manila Police District (MPD) na nakabantay sa Mendiola kaya naman napilitang magsagawa ng programa ang iba’t-ibang militante sa gitna ng kalsada.

Isa sa sigaw ng mga nag-rally sa administrasyon na itigil na ang pagkamkam ng mga lupa ng mga magsasaka, pamumulitka, “red tagging,” unahin ang kapakanan ng mga mahihirap at huwang gawing dahilan ang pandemya.

Nais din ng mga militanteng grupo na maresolba na ng kasalukuyang administrasyon ang problema sa pamamahagi ng lupa sa ilalim ng Land Reform program.

Higit sa lahat, panawagan ng mga nagprotesta  ang hustisya sa mga magsasakang pinatay na tanging karapatan lamang nila sa lupa ang kanilang ipinaglalaban.

Ang “Mendiola Massacre,” o tinawag ding “Black Thursday” ng mga lokal na mamamahayag, ay naganap noong Enero 22, 1987 sa Kalye Mendiola sa Lungsod ng Maynila malapit sa Malakanyang.

Nagtipon-tipon ang mga magsasaka, manggagawa at mga mag-aaral sa lugar upang iprotesta ang kawalan na aksiyon ng pamahalaan tungkol sa usapin sa reporma sa lupa.

Ayon sa mga ulat, mga tauhan ng anti-riot squad na nakasuot sibilyan ang di-umano’y nagpaputok sa hanay ng mga nagpo-protesta, na siyang ikinasawi ng 12 katao at ikasugat ng 51 iba pa.

(Photo credit: Coconuts.co/manila/Luis Liwanag/)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Anumang edad, dapat sumunod pa din sa health protocol -- DOH

Fri Jan 22 , 2021
Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na kahit anong edad ang payagang lumabas sa gitna ng pandemya, mahalaga pa rin ang pagsunod sa health protocol o minimum public health standards (MPHS). Ito ang pahayag ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, matapos payagan nang lumabas ang mga nasa […]

Follow Us

%d bloggers like this: