Parehong protocol pa rin ang susundin sa COVID-19 na susundin ng mga nagpositibo sa UK variant sa sandaling sila ay gumaling na sa sakit.
Ito ay ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, matapos na magnegatibo na sa UK variant ang index case na galing ng United Arab Emirates (UAE).
Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang monitoring sa UK variant index case dahil nakitaan ito ng pneumonia.
“Yes, the index case tested negative already, but thorough assessment still has to be done, such as Chest X-ray because he was diagnosed with Pheumonia at the start,” ayon kay Vergeire.
Bagama’t pareho ang protocol ng COVID-19 sa UK variant, sinabi ni Vergeire na dapat tiyakin ng Qezon City LGU kung saan nakatira ang index case upang siya ay laging namomonitor.
“Protocol is the same, but it has to be ensured that he will still be monitored by the LGU,” dagdag pa ni Vergeire.